Capital Build Up Program 2025

  1. Ano ang Capital Build-Up Program 2025?
    Ito ay campaign ng OMSMPC para hikayatin ang mga miyembro na magdagdag o kumpletuhin ang kanilang share capital contributions mula July hanggang October 2025 para makasali sa raffle at manalo ng exciting prizes!

  2. Sino ang pwedeng sumali sa raffle?
    Regular Members (RM): Kailangan makumpleto ang ₱5,000 share capital sa loob ng campaign period.
    Associate Members (AM): Kailangan makumpleto ang ₱2,000 share capital sa loob ng campaign period.

  3. Kumpleto na ang share capital ko, pwede pa rin ba akong sumali?
    Oo naman! Kung magdadagdag ka pa ng share capital kahit lampas na sa required amount within the campaign period, pasok ka pa rin sa raffle.

  4. Hanggang kailan pwedeng mag-contribute para qualified?
    Pwede mag-contribute mula July hanggang October 2025.

  5. Ilang winners ang pipiliin kada linggo?
    Weekly raffle prizes:
    5 winners ng ₱500 Pluxee gift certificate
    5 winners ng ₱200 Pluxee gift certificate

  6. Kailan ang weekly draws?
    July: 18, 25
    August: 1, 8, 15, 22, 29
    September: 5, 12, 19, 26

  7. May grand prize ba?
    Yes! Sa October 29, 2025, isang maswerteng miyembro ang mananalo ng brand-new Infinix smartphone.

  8. Pwede bang sumali ang OMSMPC staff o officers?
    Hindi po. Disqualified ang OMSMPC officers at management sa raffle.

  9. Kailangan ba mag-register para makasali?
    No need for separate registration! Basta pasok ang contribution mo sa required amount during the campaign, automatic na kasali ka sa raffle.